Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dambong ni Napoles mahirap mabawi (Palasyo aminado)

SINANG-AYONAN ng Malacañang ang pahayag ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na mahihirapang mabawi ang mga ninakaw ng tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles.

Una na rito, sinabi ni PCGG chairperson Andres Bautista, magiging matagal ang proseso ng pagbawi dahil diringgin sa korte ang kaso at asahan ang sangkaterbang apela na ihihirit ng kampo ni Napoles bukod sa posibleng naitago na sa ibang pangalan ang mga ari-arian at maaaring nasa ibang bansa na.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, bagama’t totoo ang sinasabi ng PCGG, patuloy na gagawa ng paraan ang pamahalaan upang mabawi ito.

Ani Coloma, handa silang makipag-ugnayan sa lehislatura upang pag-usapan kung nararapat nang amyendahan ang ilang batas upang mapadali ang pagbawi ng pondong ninakaw sa bayan.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …