Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Blackwater tatawag ng tryout

MAGKAKAROON ng tryout ang Blackwater Sports sa susunod na linggo para maghanap ng mga manlalarong makakasali sa lineup nito bilang baguhang koponan sa PBA sa bagong season na magsisimula sa Oktubre ng taong ito.

Gagawin ang tryout sa Hunyo 24 at 26 mula alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa SGS Gym sa Araneta Avenue, Quezon City.

Sinabi ni coach Leo Isaac na bukas ang tryout sa mga free agents at mga nais na magpalista sa PBA draft sa Agosto 24.

“Kasi kailangan din nila ‘yun dahil malapit na ang draft. At least masisilip na sila ng tao,” wika ni Isaac.

Naunang nagpa-tryout ang isa pang baguhang Kia Motors ilang linggo na ang nakararaan sa Sta. Lucia East Gym sa Cainta sa ilalim ng head coach nilang si Manny Pacquiao.

Nais naman ni Blackwater team owner Dioceldo Sy na makuha niya ang ilang mga manlalaro niya sa PBA D League tulad nina Pari Llagas, Bacon Austria, Allan Mangahas, Reil Cervantes at Gilbert Bulawan dahil lahat sila ay free agents at puwedeng maglaro uli sa PBA.

“Maybe, in our first conference, we’ll give our Blackwater free agents a chance to play. We’ll be patient in our first year but we want to be able to build a competitive team by the second and third years,” ani Sy.

Samantala, tuloy ang expansion draft para sa mga manlalarong nais kunin ng Blackwater at Kia sa Hulyo 18 sa opisina ng PBA sa Libis, Lungsod ng Quezon.

“We’ll settle the dispersal picks on July 18,” ani Marcial.

Hindi na sasali sa expansion at dispersal draft ang NLEX dahil inaasahang bibilhin nito ang isang kasalukuyang koponan sa PBA na hindi pa pinangalanan.   (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PSC Philippine Womens Open

Rizal Memorial Tennis Center Sasailalim sa Testing para sa Kauna-unahang Philippine Women’s Open

MAGSISIMULA ang mga opisyal ng sports sa Pilipinas ng operational testing sa mga bagong-renovate na …

POC Bambol Tolentino PhilCycling Dato' Amarjit Singh Gill

12 bansa kumpirmado na para sa Asian track championships sa Tagaytay CT Velodrome

BUMALIK sa Pilipinas ang ika-45 Asian Cycling Confederation (ACC) Track Championships matapos ang 31 taon, …

PSC Pato Gregorio NGAP

Asian Tour Series PH Leg sa Pebrero na

ALINSUNOD sa malawakang kampanya ng pamahalaan para sa sports tourism, pangungunahan ng Philippine Sports Commission …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …