Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yagbols sapol sa shotgun ng kaibigan (Binatilyo napisak sa palpak na jack)

BACOLOD CITY – Minalas na tamaan sa kanyang ari ang isang lalaki sa naganap na shooting incident kamakalawa ng gabi sa Bacolod City.

Kinilala ang biktimang si Reymund Babor, 20, residente ng Brgy. Bata, Bacolod City.

Batay sa imbestigasyon, dakong 8:15 p.m. nang magkaroon ng komosyon ang biktima at ang hindi pinangalang kanyang kaibigan.

Binaril ng suspek ng 12-gauge shot gun ang biktima ngunit minalas na ang kanyang ari ang tinamaan ng mga bolitas ng bala.

Ang biktima ay nilalapatan ng lunas sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital. (BETH JULIAN)

Binatilyo napisak sa palpak na jack

CEBU CITY – Patay ang isang menor de edad makaraan madaganan ng inaayos na kotse sa loob ng shop sa Brgy. Dumlog, Lungsod ng Toledo, Cebu, kamakalawa.

Kinilala ang namatay na si Rolly Sigar, 16-anyos, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa Toledo City Police Office, pinapalitan ng biktima ang gulong ng inaayos na kotse dakong 8pm ngunit bigla na lamang nasira ang jack na nakasuporta.

Nakahingi pa ng tulong ang biktima sa mga kasamahan ngunit hindi na umabot nang buhay sa pagamutan.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …