TAGLAY ang twice-to-beat advantage, nais ng Rain Or Shine at Alaska Milk na maidispatsa kaagad ang mga kalaban sa quarterfinals ng PLDT Home Telpad PBA Governors Cup mamayang gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Maghaharapang Elasto Painters at seventh seed Air 21 sa ganap na 5:45 pm. Magtutuos naman ang Aces at sixth seed Barangay Ginebra sa ganap na 8 pm. K
Ang Rain Or Shineay nagwagi sa kanilang huling limang games. Noong LLunes ay naungusannila ang nagtatanggol na kampeong San Mig Coffee, 95-94 upang sumegunda sa TalkN Text sa pagtatapos ng elims.
Ang Aces naman ay nanalo sa huling tatlong games matapos na tambakan ng Elasto Painters, 123-72. Nagtapos sila sa ikatlong puwesto sa elims. Kung natalo angElasto Panters sa Mixers ay babagsak sana ang Aces sa ikapitong puwesto.
Hangad ng Rain Or Shine na makabawi sa Air 21 na tumalo sa kanila 103-96 noong Mayo 20
“Gusto namin makabawi, especially me. kasi wala ako the first time that we met,” ani Elasto Painters coach Joseller “Yeng” Guiao. “If we advance into the semis, we’ll see how far we can go.”
Ang Rain Or Shine ay pinamumunuan ni Arizona Reid na siyang gumawa ang winning basket may 1.1 segundo ang nalalabi sa laro kontra sa Mixers. Siya ay sinusuportahan nina Gabe Norwood, Jeff Chan, Paul Lee, Beau Belga at Ryan Arana.
Ang Express ay sumasandig kina Dominique Sutton at beteranong si Paul Asi Taulava na inaayudahan nina Joseph Yeo, Mark Cardona, Aldrech Ramos at Enrico Villanueva.
Tinalo ng Alaska Milk Barangay Gnebra, 79-66 noong Hunyo 13. Sa kabila ng panalo ay ayaw ni coach Alex Compton na magkumpiyansa ang kanyangmga bata.
Ang Alaska Milk ay sumasandig kay Henry Walker na makakatapat ni Zaccheus Mason ng Barangay Ginebra.
Makakatuwang ni Walker sina Sonny Thoss, Cyrus Baguio, Calvin Abueva at JVee Casio. Katunggali nila sina Gregory Slaughter, Japhert Aguilar, Mark Caguioa at LA Tenorio. (SABRINA PASCUA)