DAGUPAN CITY – Nilalapatan ng lunas sa isang ospital sa bayan ng Tayug sa lalawigan ng Pangasinan ang 38 katao dahil sa pagkalason sa kinain na itlog na maalat.
Ayon kay Dr. Alfredo Sy, chief ng Eastern Pangasinan District Hospital, ang natu-rang mga pasyente ay mula sa karatig bayan na Sta. Maria na dumaing ng pana-nakit ng tiyan at pagsusuka.
Karamihan sa mga pasyente ay kumain ng bini-ling itlog na maalat sa ilang ambulant vendors, sari-sari store at sa kanilang public market.
Noong nakaraang araw, ilang katao rin mula sa Nati-vidad at San Nicolas, ang isunugod sa ospital mula dahil din sa pananakit ng kanilang tiyan at pagsusuka bunsod ng pagkain ng itlog na maalat.
Isang 81-anyos lolo ang pinakamatandang pasyenteng biktima ng food poisoning habang 2-anyos batang lalaki ang pinakabata.
Nanawagan ang Provincial Health Office sa mga residente na iwasan muna ang pagbili ng itlog na maalat sa nabanggit na lugar habang ipinasusuri ang ibang ibinibenta sa merkado.