Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tunay na potential ng Beermen ‘di pa nailalabas

HANDA na para sa playoffs ang San Miguel Beer matapos na magbalik buhat sa injured list sina Chris Ross at Marcio Lassiter.

Sa pagbabalik na ito ay tinalo ng Beermen ang delikadong Air 21, 101-88 noong Sabado sa Alonte Sports Arena sa Binan, Laguna upang tapusin ang elims schedule sa record na 5-4. Tabla sila ng Express.

Kung natalo sila sa Air 21, siguradong babagsak sila sa ikalima hanggang ikawalong puwesto at mangangailangan na magwagi ng dalawang beses kontra sa anumang koponang makakatunggali sa quarterfinals.

Pero sa ngayon ay hihintayin pa muna nila ang resulta ng laro sa pagitan ng Rain Or Shine at defending champion San Mig Coffee upang malaman kung aangat sila sa top four o hindi.

Kapag umangat sila sa top four ay magkakaroon sila ng twice-to-beat na bentahe.

Iyon lang naman ang hinahabol ng lahat ng koponang pumasok sa quarterfnals, e.

Iba na siyempre yung twice-to-beat. Less pressure.

Pero kung tatanungin mo ang Beermen, aba’y malaki ang pressure sa kanila.

Kasi nga’y mayroon din silang twice-to-beat advantage noong nakaraang Comissioner’s Cup subalit nabale-wala iyon dahil natalo sila ng dalawang beses sa Express.

Kahit anong team na matalo ng dalawang beses ay talagang napapahiya nang husto.

Kaya naman nais ng Beermen na makabawi.

Sa totoo lang, bago nag-umpisa ang torneo o ang season ay paborito ang San Miguel Beer. Pero hanggang ngayon ay hindi pa naipakikita ng Beermen ang kanilang tunay na potential.

Marahil, kung papasok sila sa semifinals ay lalabas na ang talagang buti nila at matatapos nila ang season nang ayon sa hinahangad nila.

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …