HINIKAYAT ni top state seismologist Renato Solidum ang mga organisasyon at local officials na sestimatikong magplano ng mga mekanismo para mapababa ang pinsala at bilang ng mga posibleng mamatay kapag tinamaan ng 7.2 magnitude earthquake ang Metro Manila.
Sa kanyang pagsasalita sa harap ng disaster risk experts sa summit na ini-ere sa radio kahapon, sinabi ng director ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), maaaring ma-isolate ang capital region bunsod ng pagguho ng mga kalsada at gusali at magaganap na mga sunog.
Paliwanag ni Solidum, ang pagkilos sa West Valley Fault, ay tinatayang maaaring lumikha ng 7.2 magnitude earthquake, na maaaring magdulot ng matinding pinsala sa mahigit 100,000 residential buildings.
Ang fault system, mula norte patungo sa timog sa kahabaan ng west at east edges ng Marikina Valley ay matinding banta sa Metro Manila. Ang Metro Manila ay maaaring mahiwalay sa four isolated zones base sa geography.
Bunsod ng pagguho ng mga gusali sa mga lungsod ng Makati at Mandaluyong, gayon din ng Pasig River, maaaring maghiwalay ang northern at southern parts ng metropolis, habang dahil sa napinsalang road networks ay mahihiwalay ang kanluran at silangan bahagi ng kapital.
Itinulad ni Manny de Guzman, presidente ng Asia Pacific Institute for Green Development, ang senaryo sa pagkakahiwalay ng Baguio City, na tinamaan ng mapaminsalang 7.9 magnitude earthquake noong 1990 .
“Given this grim disaster scenario (in Metro Manila), the rest of the country will have to be well prepared to help quickly, in a coordinated and efficient manner, and with sufficient skilled responders and logistics, particularly for search and rescue and emergency relief, which I believe will be initially dependent on the use of choppers,” ani De Guzman sa Facebook post.
Dagdag ni Solidum, ang magaganap na lindol ay maaaring magdulot ng pagkamatay ng 31,000 katao at aabot sa 110,000 ang masasaktan sa Metro Manila na may 10 milyon populasyon.
Bukod sa banta ng lindol, ang Metro Manila ay may banta rin ng tsunami base sa historical records na ang malalaking alon ay pumapasok sa port of Manila, ayon kay Solidum. (HNT)