MARAMING mga manonood ng PBA Governors Cup noong Sabado sa Alonte Sports Arena sa Binan, Laguna ang nagulat nang isinuot ng mga manlalaro ng Air21 ang kanilang warm-up na jersey sa laro ng Express kontra San Miguel Beer.
Ang dahilan: nawala ang uniporme ni Asi Taulava nang bigla itong ninakawan ng isang fan na pumasok sa dugout ng Air21.
Natalo ang Express, 101-88, sa larong iyon kontra Beermen.
Ayon kay Taulava, isinabit niya ang kanyang jersey sa pinto sa labas ng dugout at sa isang iglap ay bigla itong nawala dahil tinangay na nga ito.
Dahil sa insidente ay nagdesisyon ang ibang mga manlalaro ng Air21 na isuot na lang nila ang kanilang warm-ups para makalaro si Taulava.
“All of my teammates just went to me and said: ‘Kuya, you play, we’ll just wear our warmers. You need to play. We need you there,’” wika ni Taulava. “I am proud of my teammates for the sacrifice they gave to let me play. I was really decided to sit out tonight. Playing with sleeves was truly uncomfortable and yet they played with that uneasiness just to have me on board. It was a big distraction to me and the whole team. The ballboy took the blame.”
Idinagdag ni Taulava na wala siyang galit sa tagahangang nagnakaw ng kanyang uniporme.
“A message to the one who stole it: I am a generous person, I can give him my jersey if he’d ask. Just let me finish a big game first,” ani Taulava.
(James Ty III)