NAKA-DRAW si Pinoy GM Enrico Sevillano kay super grandmaster Batista Lazaro Bruzon upang sumalo sa fifth to 14th place sa Las Vegas International Chess Festival na ginaganap sa Riviera Casino & Hotel sa America kamakalawa ng gabi.
Nakaipon si Sevillano ng 2.5 points mula sa two wins at draw matapos ang third round.
Sa round 1, kinaldag ni Sevilla si Zachary Corbin Yu at saka sinunod si FM Alisa Melekhina bago ang tabla kay Cuban chesser na si Batista.
Makakalaban ni Sevilla sa fourth round si Alejandro Ramirez sa event na may six rounds swiss system.
Apat ang nag-aagawan sa tuktok, ito’y sina GMs Gata Kamsky, Timur Gareed, Yun Perez Quesada at Giorgi Kacheishvili na mga perfect 3.0 points.
Kinaldag ni Kamsky sina Karthik Ramachandran, Hayk Manvelyan at IM Vellotti Luke Harmon sa rounds 1, 2 at 3 ayon sa pagkakasunod.
Samantala, bago nagsimula ang nasabing event naglaro muna si GM Wesley So ng simul sa 23 na woodpushers kung saan ay 22 ang kanyang tinalo at isa ang nakatabla sa kanya.
Kamakailan lamang ay laman ng pahayagan si So dahil sa kanyang pagpapalit ng federation.
Si So ay lumiham sa National Chess federation of the Philippines (NCFP) upang hilingin na payagan itong magpalit ng citizenship.
Nasa pang-15 sa world si So matapos tumaas ang kanyang elo rating nang magkampeon ito sa 2014 Capablanca Memorila Chess tournament na ginanap sa Cuba.
May elo rating na 2744 si So at nalalapit na siya sa pakay na umabot ito ng 2750 bago matapos ang taong 2014.
(ARABELA PRINCESS DAWA)