MAGHAHARAP ngayon ang Talk n Text at Barako Bull sa isa sa dalawang laro sa pagsisimula ng quarterfinals ng PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Hawak ng Tropang Texters ang twice-to-beat na bentahe kontra Energy Colas dahil sa kanilang 7-2 panalo-talo bilang lider sa pagtatapos ng elimination round kagabi samantalang nakopo ng Barako ang ika-walong puwesto pagkatapos na makalusot sa quotient kontra Meralco.
Sinabi ng team captain ng TNT na si Jimmy Alapag na hindi dapat balewalain ng Texters ang Energy Colas dahil sa 88-74 panalo ng Barako sa laro ng dalawang koponan noong isang linggo.
“We can’t take Barako for granted because they just beat us last week,” wika ni Alapag pagkatapos na talunin ng TNT ang Barangay Ginebra San Miguel, 96-92, noong Linggo ng gabi. “They’ve got a great import (Allen Durham) and they have a lot of veteran guys who know how to win.”
Malaki ang naitulong ni Alapag sa panalo ng Texters kalaban ang Kings kahit kagagaling lang siya sa sakit.
“It was important for us to have momentum going into the playoffs. We fell behind but we stayed together by coming up with defensive stops that helped us make our run.”