BINATIKOS ng China ang anila’y pagpapaawa ng Filipinas sa international community sa usapin ng pinag-aagawang mga teritoryo sa South China Sea o West Philippine Sea.
Sa pagtitipon ng state parties sa United Nations Convention on the Law of the Sea sa UN headquarters sa New York, sinabi ni Chinese deputy permanent representative to UN Wang Min, ang ugat ng tensyon ay ang illegal na pag-angkin ng Filipinas sa mga isla at reefs sa Spratly Islands na tinatawag ng China na Nansha.
Ayon kay Wang, gustong gawing legal ng Filipinas ang mga probokasyon nito sa pamamagitan ng arbitration case.
Nais din aniya ng Manila na makakuha ng simpatya ng international community kaya naghain ng arbitration case sa international tribunal.
“The Philippines attempts to legalize its infringements and provocations by dragging China into arbitral proceedings,” ani Wang. “The Philippines is also trying to win international sympathy and support through deception. This is what the problem is in essence.”
Nanindigan si Wang na bilang party sa UNCLOS ay may karapatan ang China na magsagawa ng mga reclamation project sa pinag-aagawang teritoryo.
Bagama’t nanindigang hindi makikisali sa arbitration.