DUMISTANSYA ang Malacañang sa panawagan ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na magbitiw si Vice President Jejomar Binay dahil sa hindi paglalabas ng tunay na kulay, o kung siya’y maka-administrasyon o panig sa oposisyon.
Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., sariling diskarte ni Erice ang kanyang privilege speech at walang partisipasyon ang Tanggapan ng Pangulo.
Binigyang-diin ni Coloma, batas ang ginagamit sa pagsasagawa ng mambabatas ng privilege speech at may pananagutan ang bawat mambabatas sa kanyang sarili at mga constituent.
Hangga’t wala aniyang partikular na pahiwatig o pahayag ang Pangulong Aquino, mayroon siyang pagtitiwala o kompiyansa sa mga miyembro ng kanyang Gabinete at kabilang diyan si Binay.
(ROSE NOVENARIO)