NANAWAGAN ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino sa Iraq na lumikas agad mula sa naturang bansa.
Ito ay makaraan itaas ng DFA sa Level 3 ang crisis alert sa Iraq kasunod ng pagkubkob ng mga militante sa ilang lugar.
Ayon kay DFA spokesperson Charles Jose, masusi nilang binabantayan ang sitwasyon sa Iraq.
Sana aniya ay kusa nang lumikas ang mga Filipino sa Iraq dahil sagot ng gobyerno ang repatriation.
Magpapadala ang DFA ng rapid response team sa Iraq para mapabilis ang repatriation ng mga Filipino na gustong umuwi.
Nasa 900 ang mga Filipino na nagtatrabaho sa Iraq at karamihan ay nakabase sa Kurdistan region na hindi saklaw ng Level 3 alert. (HNT)