Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nasabat na pekeng signature shoes ng MPD nawawala?

NAWAWALA ang nasabat ng Manila Police Distirct (MPD) na isang closed van na naglalaman ng mga pekeng sapatos sa Binondo, Maynila kamakalawa.

Ito ang ibinunyag ng source, na dakong 2:00 pm nasakote ng MPD – District Special Operation Unit 1 ang nasabing closed van na naglalaman ng kargamento.

Pero matapos ang balita, hindi nakarating sa headquarters ng MPD sa United Nations Avenue, ang nahuling closed van maging ang driver at pahinante nito.

Nabatid na mismong si MPD Director, Chief Supt. Rolando Asuncion ay nagulat nang makarating sa kanya ang impormasyon na ‘missing’ ang mga nasabat na kargamento ng kanyang mga tauhan.

Dahil dito, inatasan ni Asuncion ang team leader ng DSOU Team 1 na magsumite ng report kung bakit hindi nakarating sa headquarters ng pulisya ang nasabat na pekeng sapatos.

Nagpalabas agad ng 24-oras na taning si Asuncion upang magsumite ng paliwanag ukol sa ‘nawawalang’ kargamento. (LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Krystall herbal products

42-anyos BPO employee “open secret” paggamit ng Krystall Herbal Products sa kanyang co-workers

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Isang magandang …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …