ISANG Koreano ang naniniwalang nabiktima siya ng isang dosenang marurungis na bata na nag-alok sa kanya ng bulaklak at nanghingi ng limos habang nag-aabang ng taxi sa Malate, Maynila, kamakalawa ng madaling araw.
Dumulog sa Manila Police District – General Assignment Section (MPD-GAS) ang Koreano na si Yeonkyung Jin, 27, nakatira sa 1202 Grand Emerald Tower Condominium, Ortigas Center, Pasig City nang mapagtanto na nawawala na ang kanyang pitaka at cellphone matapos kuyugin ng 12 marurungis na batas.
Aniya, nag-aabang siya ng taxi sa Adriatico St., nang lapitan ng 12 bata para alukin ng bulaklak habang ang iba naman ay nanghihingi ng limos kaya hindi niya namalayan na nadukot na ang kanyang pitak. (LEONARD BASILIO)