HINDI na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical storm Hagibis na nasa West Philippine Sea.
Ito ang sinabi kahapon ni Pagasa forecaster Connie Rose Dadivas, kasunod ng patuloy na paglayo ng naturang sama ng panahon.
Nilinaw rin ng Pagasa na kahit Filipino name ang taglay ng naturang bagyo (Hagibis), hindi ang state weather bureau ang nagbigay ng nasabing pangalan.
Magugunitang sinabi ni Dadivas na Florita ang itatawag nila sa susunod na bagyong papasok sa karagatang sakop ng Filipinas, alinsunod sa kanilang sariling talaan.
Nabatid na ang Hagibis ay kontribusyon ng Filipinas sa listahan ng mga pangalan ng bagyo para sa buong mundo para sa taon 2014.
Kaugnay nito, paiigtingin ng bagyong Hagibis ang hanging habagat kaya mananatiling lantad sa malalakas na pag-ulan ang malaking bahagi ng Luzon hanggang sa susunod na mga araw.