TINIYAK ng Malacañang na kumikilos ang Philippine National Police para malutas ang pinakabagong mga krimen na naganap kamakailan, kabilang ang pagpatay sa dalawang prominenteng tao.
Ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, inatasan ni PNP chief, Director General Alan Purisima ang pulisya na lutasin ang kaso ng pagpatay sa car racer na si Enzo Pastor at sa negosyanteng si Richard King.
“Nagbigay na ng utos ang hepe ng PNP na paspasan at bigyan ng nararapat na focus ang dalawang insidenteng nangyari,” pahayag ni Valte.
“At nagbigay na sila ng direktiba na bantayan ang imbestigasyon ng kasong ito,” dagdag ng opisyal.
Si King, may-ari ng Crown Regency Group of Hotels, ay binaril sa loob ng kanyang establisimento sa Davao City nitong Huwebes.
Habang pinagbabaril sa Quezon City nitong Huwebes ng gabi si Pastor.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa dalawang kaso para matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin.
(ROSE NOVENARIO)