SINIMULAN nang ipatupad kahapon ang dagdag na P0.50 sa pasahe para sa mga public utility jeepneys (PUJs) na kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ipinatupad ang dagdag-pasahe mula P8 ay P8.50 na sa Metro Manila Area, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa regions.
Kasabay nito, mariiing pinaalalahanan ni LTFRB chairman Winston Ginez ang jeepney drivers na dapat sumunod sa kanilang alituntunin sa fare increase.
Nilinaw ni Ginez, ang jeepney operators lang na nakakuha ng bagong fare matrix ang may karapatang maningil ng P8.50 sa unang apat na kilometro habang dagdag na P0.10 sa kada susunod na kilometro.
Maaari pa rin makakuha ng 20 percent discount ang mga senior citizens, estudyante at persons with disabilities na sasakay sa PUJs.
(Beth Julian)