WALANG kinalaman sa mga ulat na pagtaas ng krimen sa hurisdiksyon ang nangyaring pagbalasa sa limang opisyal ng Pasay City Police.
Ito ang paglilinaw ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Florencio Ortilla, na nagsabing kinakailangan lamang palitan ang ilang opisyal dahil sa pagiging “pamilyar” na sa kanilang puwesto at para na rin sa tinatawag na “career development.”
Kabilang sa mga pinalitan ang hepe ng Station Investigation Detective & Management Section (SIDMS), Anti-Carnapping, Inteligence, Police Community Precinct (PCP) MOA at Police Community Precinct (PCP) Airport precinct.
Inalmahan ng isang opisyal ng Pasay police na nagsabing hindi dumaan sa tamang proseso ang balasahan dahil binigla sila ng kautusan.
Magugunita, sa idinaos na pulong ng mga Kapitan ng Barangay sa lungsod, iniulat ang pagtaas ng krimen mula sa dating 88% noong 2013 ay umakyat sa 288 % ngayon taon. (JAJA GARCIA)