Tuesday , November 5 2024

Parak durog sa truck

HALOS madurog ang katawan ng isang tauhan ng Parañaque police nang masagasaan at magulungan ng truck habang sakay ng motorsiklo kahapon ng umaga sa San Mateo, Rizal.

Sa ulat na tinanggap ni S/Supt. Bernabe Balba, Rizal PNP Provincial Director, kinilala ang biktimang si PO3 Rolindo Ondagan, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Parañaque PNP, at nakatira sa bayan ng San Mateo.

Habang arestado ang driver ng truck na si Ramil delos Reyes, 31, nakatira sa #16 Gravelpit, Guinayang, ng nabanggit na bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong 9 a.m. sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo mula sa bahay at papasok sa duty nang mawalan ng preno at pumasok sa ilalim ng truck (XCZ-452) na minamaneho ni Delos Reyes.

Pagkaraan ay nagulungan ang biktima ng truck at nagmistulang napitpit na lata na agad niyang ikinamatay.

Nakapiit na ang suspek sa himpilan ng pulisya habang inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting in homicide na isasampa sa kanya. (ED MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *