INIHAYAG ng pulisya kahapon, arestado na ang hinihinalang pumatay sa Bukidnon radio commentator na pinaslang noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Ayon sa Philippine National Police’s Criminal Investigation and Detection Group, naaresto ng kanilang mga operatiba ang suspek na si Dionesio Daulong dakong 5:30 a.m. sa Brgy. Paitan sa bayan ng Quezon.
Si Daulong ay sangkot sa pagpatay sa biktimang si Joash Dignos, 48, political commentator ng dxGT Radyo Abante noong Nobyembre 29, 2013.
Sa kanilang Facebook page, sinabi ng CIDG, ang Northern Mindanao Criminal Investigation and Detection Unit operatives sa pamumuno ni S/Insp. Gerson Soliven, ang nagsilbi ng warrant of arrest laban sa suspek.