Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Air 21 kontra SMB

BABALIGTARIN ng Air 21 ang pangyayari at pupuntiryahin ang twice-to-beat na bentahe sa quarterfinals sa pagkikita nila ng San Miguel Beer sa PLDT Home Telpad PBA Governors Cup mamayang 5 pm sa Alonte Sports Arena sa Binan. Laguna.

Sa unang laro sa ganap na 2:45 pm ay mamamaalam na sa season ang Globalport kontra Meralco.

Magugunitang nagkita sa quarterfinals ng nakaraang Commissioner’s Cup ang Beermen at Express. Kahit na may twice-to-beat advantage ang San Miguel Beer ay namayani ang Express upang umusad sa semifinals kontra sa San Mig Coffee.

Noong Miyerkoles ay nahirapan ang Air 21 kontra sa nangunguelat na Globalport bago nanaig, 106-102 upang umangat sa 5-3.

Sa gabi ring iyon ay natalo naman ang San Miguel Beer sa Barangay Ginebra, 105-98 upang malaglag sa 4-4. iyon ang ikalawang sunod na kabiguan ng Beermen na natalo rin sa Meralco, 90-74 sa kanilang out-of-town game sa Cagayan de Oro City noong Sabado.

Laban sa Batang Pier, ang import ng Air 21 na si Dominique Sutton ay nagtala lang ng 28 puntos kontra sa 35 ni Dior Lowhorn.

Subalit binuhat ng beteranong si Paul Asi Taulava ang Express sa endgame.   Sa kabila ng pagkakaroon ng sugat sa kaliwang bahagi ng noo ay nagtapos si Taulava ng may 17 puntos at siyam na rebounds. Nagtala ng 15 puntos si Jonas Villanueva at nagdagdag ng 13 si Joseph Yeo.

Patuloy na nami-miss ng San Miguel Beer ang serbisyo nina Marcio Lassiter, Chris Ross at Paolo Hubalde na pawang may injuries.

Ang San Miguel Beer ay binubuhat nina Reggie Williams, June Mar Fajardo, Arwind Santos, Doug Kramer at Chris Lutz.

Ang Globalport ay natalo sa huling anim na laro at may 1-7 record. Ang Bolts ay may 2-6 karta.

Sa import match-up ay makakatapat ni Lowhorn si Mario West.

Bukas ay balik sa Smart Araneta Coliseum ang mga laban kung saan maghaharap ang Alaska Milk at Barako Bull sa ganap na 3 pm at magtutunggali ang Talk N Text at Barangay Ginebra sa ganap na 5:15 pm.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PSC Philippine Womens Open

Rizal Memorial Tennis Center Sasailalim sa Testing para sa Kauna-unahang Philippine Women’s Open

MAGSISIMULA ang mga opisyal ng sports sa Pilipinas ng operational testing sa mga bagong-renovate na …

POC Bambol Tolentino PhilCycling Dato' Amarjit Singh Gill

12 bansa kumpirmado na para sa Asian track championships sa Tagaytay CT Velodrome

BUMALIK sa Pilipinas ang ika-45 Asian Cycling Confederation (ACC) Track Championships matapos ang 31 taon, …

PSC Pato Gregorio NGAP

Asian Tour Series PH Leg sa Pebrero na

ALINSUNOD sa malawakang kampanya ng pamahalaan para sa sports tourism, pangungunahan ng Philippine Sports Commission …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …