Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagahe ng OFW tinangay ng taxi driver

NANLULUMONG nagtungo sa himpilan ng pulisya ang isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) makaraan tangayin ng taxi driver ang kanyang bagahe sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Halos maiyak sa sama ng loob si Almaliza Valeriano, 29, may asawa, tubong-Tuguegarao, Cagayan, residente ng 2142 Alvarez St., Pasay City.

Sa pahayag ng biktima kay Chief Insp. Joey Goforth, sumakay siya sa taxi (TXP 530) dakong 9:30 p.m. sa panulukan ng Tramo at Buendia para magpahatid sa kanilang bahay.

Aniya, kasama ang kanyang pinsan na si Maricel Panga, inilagay nila sa compartment ang bagahe, at bago sila sumakay ay tiniyak na saradong mabuti ang compartment.

Pagdating nila sa harap ng bahay, bumaba sila upang kunin ang dalang mga bagahe sa compartment ng taxi nang bigla na lamang pinasibad ng driver ang taxi

Sinabi ng biktima, maraming mahahalagang gamit na nakalagay sa bagahe tulad ng laptop, passport at ibang mga alahas.

Wala pang isang linggo sa Filipinas ang biktima mula Canada.

Aniya, uuwi sana siya sa Cagayan upang pasyalan ang mga magulang.

Nanawagan ang biktima sa taxi driver na isauli na lamang ang kanyang mahahalagang papeles na nakalagay din sa isang bag na tinangay ng suspek.

Makikipag-ugnayan ang pulisya sa Land Transportation Regulatory Board (LTFRB) upang mabatid ang operator ng taxi para maaresto ang suspek.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …