Monday , December 23 2024

2 Koreano kalaboso sa carnapping

ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police District-Anti Carnapping Unit ang dalawang Korean national makaraan karnapin ang isang Hyundai Starex van sa Malate, Maynila.

Sinampahan ng kasong carnapping ng biktimang si Michelle Ann Nangit, 31, negosyante, tubong Nueva Ecija, at residente ng San Andres Bukid, Maynila, ang mga suspek na sina Jeong Eung Shik at Sin Juyoung, ng 1712 Palma Executive Village, BF Homes, Parañaque City.

Ayon kay S/Insp. Rommel Geneblazo, hepe ng MPD-Ancar, ang dalawang suspek ay nadakip dakong 8 p.m. kamakalawa sa harap ng Cherryville Hotel sa Remedios at Guerrero streets, Malate, Maynila

Iniulat na nawala ang naturang Starex van (BES 933) noong Abril 24 sa Cherryville Hotel habang nakaparada.

Agad nakipag-ugnayan sa MPD-Ancar ang biktima nang mamataan muli sa harap nang nabanggit na hotel ang sasakyan kamakalawa ng gabi.

Samantala, itinanggi ng dalawang Koreano na kinarnap nila ang sasakyan kundi hiniram lamang nila ito sa kaibigan nilang Filipino.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *