Monday , December 23 2024

PBB housemate lusot sa damo sa airport

Mariing itinanggi ni dating Pinoy Big Brother Divine Muego Matti Smith na gumagamit siya ng marijuana makaraang tanungin tungkol sa 0.2561 gramo ng pinatuyong dahon na natagpuan sa kanyang binabawing trolley bag sa Lost and Found section ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Smith, ang kanyang bag ay ninakaw ng isang taxi driver habang siya ay nasa NAIA terminal 3 noong May 29.

Ayon kay APD – Intelligence and Investigation Division officer in- charge Melchor delos Santos, pumunta sa NAIA nitong Martes ng hapon si Smith para bawiin ang kanyang suitcase na naglalaman ng iba’t ibang damit, black pouch na may toiletries at make ups, Mac Book Air laptop, wooden container, at iba pang bagay.

Pero base sa report ng lost and found section, isang nagngangalang Genaro Luzon, driver ng MSJ Taxi ang nagsuko ng luggage sa NAIA terminal 3 lost and found noong May 29 na napagtanto niyang naiwan o naabandona ng isang pasahero.

Nang magsagawa ng inventory ang mga awtoridad, natagpuan sa loob ng wooden container ang pinatuyong dahon ng marijuana.

Ayon kay APD investigator Reynon C. Flores, lumabas sa resulta na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) positibo sa marijuana ang bag ng celebrity.

Ngunit mariing pinabulaanan ni Smith ang marijuana na ikinokonsiderang prohibited drug sa ilalim  ng R.A. 9165.

Aniya, ang bag niya ay ilang araw na niyang hindi nakikita.  “I didn’t smoke marijuana,” ani Smith.

Malayang nakaalis sa tanggapn ng IID si Smith na walang demanda o charges na isinampa laban sa kanya.

(GLORIA GALUNO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *