Tuesday , November 5 2024

Blatche balik-Pinas sa Hulyo

NAKAUWI na sa Estados Unidos ang bagong naturalized na manlalaro ng Gilas Pilipinas na si Andray Blatche pagkatapos ng tatlong araw niyang pagbisita sa ating bansa.

Ngunit sinabi ng 6-10 na sentro ng Brooklyn Nets sa NBA na babalik siya sa Pilipinas sa unang linggo ng Hulyo kapag nagsimula na ang araw-araw na ensayo ni coach Chot Reyes.

Gagamitin si Blatche bilang kapalit ni Marcus Douthit para sa Gilas na sasabak sa FIBA World Cup sa Espanya at ang Asian Games sa Korea ngayong taong ito.

“I’ll just do a little boxing, running and working out with the ball that will be used in the FIBA. I’ve been so used to the NBA ball,” pabirong sabi ni Blatche sa harap ng mga manunulat noong isang gabi sa press room ng Smart Araneta Coliseum bilang espesyal na panauhin ng PBA Governors’ Cup. “My commitment is for the World Cup and Asian Games and we’ll take it from there.”

Sa kanyang pagdalo sa Pilipinas ay humarap si Blatche sa mga Kongresista at Senador na may-akda ng panukalang batas na nagbigay sa kanya ng naturalization at pirma na lang ni Pangulong Noynoy Aquino ang kailangan para tuluyan na siyang maging Pinoy.

“I appreciate the hard work of the senators and congressmen and I’m thankful for what they did to pass the bill and putting me in this position to play for the Philippines,” ani Blatche. “I’m here to compete, provide energy, running the floor and creating open shots for my teammates. We’re all on the same page, going out together on the floor and win.”

Samantala, kompiyansa ang Executive Director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na si Renauld “Sonny” Barrios na pipirmahan na ng pangulo ang panukalang batas para maging Pinoy si Blatche bago ang deadline sa Hunyo 30.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Milo Gatherings of Champions

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® …

Ricielle Maleeka Melencio Go Full Speedo

Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2

NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong …

Nicola Queen Diamante

Diamante, Melencio, Evangelista namuno sa ‘Go Full Speedo’ Swim Series 2

NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years …

TOPS Manilas Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

Manila’s Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

SANIB PUWERSA ang Antigong Maynila, Inc. at New Manila’s Finest Retirees Association, Inc. (NMFRAI) para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *