Saturday , November 16 2024

4 totoy tiklo sa gang rape vs 5-anyos (Naglaro ng bahay-bahayan)

061014_FRONT

CAGAYAN DE ORO CITY – Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang apat na batang lalaki na sinasabing responsable sa gang-rape sa 5-anyos batang babae sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental.

Inihayag ni Insp. Maricris Mulat, hepe ng Tagoloan Police Station, batay sa inisyal na imbestigasyon, dalawa sa mga suspek ang posibleng nakagalaw sa nasabing biktima.

Nangyari aniya ang gang rape habang naglalaro ng bahay-bahayan ang biktima at mga suspek, at pwersahang ipinanood sa batang babae ang sex video sa cellphone.

Sa kasagsagan ng panonood ng malaswang palabas ay sinimulan na rin ng siyam taon at 10-anyos na mga suspek ang panggagahasa sa paslit.

Inihayag ng biktima, dalawa sa mga suspek ang humawak sa kanya habang dalawa ang nagsagawa ng panggagahasa.

Natigil lamang ang ginagawa ng mga suspek nang maabutan ng mismong ina ng biktima kaya agad ipinahuli sa pulisya ang apat na batang lalaki.

Ngunit inamin ni Mulat na wala silang maisampang kahit anong kasong kriminal dahil pawang mga menor de edad ang mga sangkot na suspek sa krimen.

Bagama’t hahanap pa rin aniya sila ng paraan para managot ang mga suspek kaugnay sa kinasangkutang krimen.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *