Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 tepok, 2 sugatan sa Kidapawan encounter

TODAS ang tatlo katao habang sugatan ang dalawang pulis sa naganap na sagupaan ng dalawang armadong grupo

sa Sitio Nazareth, Brgy. Amas, Kidapawan City kamakalawa.

Kinilala ang mga namatay na sina Aurelio Calugmatan, 36, at Ramboy Balimba, 17, kapwa residente ng Sitio Nazareth, at ang PBAT member na si Bonie Vicente.

Habang sugatan ang dalawang pulis na sina Insp. Randy Apostol at SPO1 Edwin Maguate.

Napag-alaman, inatake ng mahigit sa100 armadong kalalakihan mula sa Patadon, Matalam, North Cotabato, ang mga residente ng Sitio Nazareth na naging dahilan ng palitan ng putok ng mag-kabilang panig.

Nang mamagitan ang mga pulis sa nasabing sagupaan ay pinaputukan din sila ng armadong grupo dahilan ng pagkamatay ng BPAT at pagkasugat ng dalawang pulis.

Agad dumating si MILF Local Monitoring Team Chief Jabib Guiabar at napahupa ang nasabing sagupaan at pinag-usapan ang gusot ng dalawang pangkat na naglalaban.

Binuo ni Cotabato Gov. Emmylou Mendoza ang crisis committee na tutugon sa nasabing girian.

Sinasabing pinag-aagawan ng dalawang grupo ang lupang pagmamay-ari ng gobyerno.

Ang matagal nang ina-angkin ng dalawang grupo ay ang Central Mindanao Integrated Agricultural Research Center (CEMIARC) ng Department of Agriculture (DA).           (BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …