INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Mandaue City, Cebu dahil sa pagpatay sa kanyang misis at sariling kapatid dahil sa hinalang may relasyon ang dalawa.
Natagpuan nitong Huwebes ang bangkay ni Ashela Antipuesto na may tama ng bala sa dibdib sa kanilang apartment.
Kwento ng mga kapitbahay ni Antipuesto, narinig nilang nagtatalo ang biktima at ang mister niyang si Flint Toling.
Hindi nagtagal, nakarinig na sila ng putok ng baril.
Kasunod nito, sinugod ng suspek ang sarili niyang kapatid na si Jason Toling at pinatay din sa pamamagitan ng pagbaril.
Mabilis na nagresponde ang mga pulis at nahuli ang suspek na hawak pa ang baril na ginamit.
Lumitaw sa imbestigasyon, nagalit ang suspek sa kanyang kapatid sa hinalang nakikipagrelasyon kay Antipuesto.
Desidido ang iba pang kapatid ng suspek na kasuhan siya.
(BETH JULIAN)