Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P1.5-M shabu nasamsam sa babaeng tulak

060714 arrest drugs

IPRINESENTA sa media ni Quezon City District Director, Chief Supt. Richard Albano ang 670 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P1.5 milyon, nakompiska mula sa suspek na si Jody Daranciang, 30, ng 23-B, Road 10, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City, ng mga operatiba ng District Anti-illegal Drugs – Special Operations Task Group (DAID-SOTG), sa pangunguna ni S/Insp. Roberto Razon, Sr. (RAMON ESTABAYA)

NADAKIP ng mga operatiba ng Quezon City Police District Masambong Police Station 2 ang babaeng tulak, makaraang makompiskahan ng 670 gramong shabu, may street value P1.5 million kahapon ng umaga.

Sa natanggap na ulat ni Chief Supt. Richard Albano, QCPD director, mula kay Supt. Pedro Sanchez, hepe ng Masambong PS 2, kinilala ang suspek na si Jody Daranciang alyas “Jo”, 30, ng San Isidro, Nueva Ecija at residente ng 23 B Road 10, Barangay Bagong Pag-asa.

Nauna rito, nakatanggap ng sumbong ang opisina ni Sanchez hinggil sa pagwawala ng suspek na hinalang lango sa droga,  sa Palawan St., Baranagy Sto. Cristo.

Agad nirespondehan ng mga operatiba ang sumbong sa pangunguna ni Sr. Insp. Emmanuel Bolina kaya nadakip si Daranciang.

Nang komprontahin ang babae nakuha sa kanyang bag ang walo sachet ng shabu umaabot sa 670 gramo.

Nakatakdang kasuhan ng paglabag sa anti-dangerous drugs law ang suspek sa QC Prosecutors Office.

(Almar Danguilan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …