TINIYAK ng Malacañang na parurusahan at hindi kukunsintihin ang mga opisyal ng PNP na nagbenta ng AK-47 sa mga rebeldeng NPA.
Magugunitang nakatakdang kasuhan ng CIDG ang ilang aktibo at retiradong heneral na napatunayan may kinalaman sa pagpuslit ng high-powered firearms sa mga kalaban ng estado.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi maaaring palampasin ang ganitong katiwalian na mismong armas ng gobyerno ay napupunta sa kamay ng kalaban.
Ayon kay Valte, binabalaan din nila ang mga opisyal ng AFP na maaaring magbenta rin ng mga baril sa kalaban ng estado.
“I remember one name from this but, certainly, if anyone is accountable then they should be put through the correct process so that their guilt can be determined, as well as the punishment,” ani Valte.
HATAW News Team