Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

6 paslit nasagip sa gay bar

060514_FRONT

060514 NBI gay barDINAMPOT ng mga operatiba ng NBI Anti-Human Trafficking Division ang 18 dancers makaraan makatanggap ng impormasyon na nagpapalabas ng malaswang panoorin ang Matikas Entertainment Bar, isang gay bar sa panulukan ng Roosevelet Road kanto ng Quezon Avenue, Quezon City. (ALEX MENDOZA)

Nasagip ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anim na menor de edad sa isang gay bar sa Quezon City, Miyerkoles ng madaling araw.

Lima ang lalaki at isang babae may edad 10, 14, 11 at lima, ang nailigtas mula sa Matikas Entertainment Bar sa kanto ng Roosevelt at Quezon avenues.

Ayon kay Salve Sion, spokesperson ng human trafficking division ng Social Services Department ng Quezon City, sa naturang bar tumutuloy ang paslit at 5 teenager dahil isa sa ina ng mga menor de edad ay singer sa bar.

Depensa ng ina, sa bar na niya pinapatuloy ang mga bata upang mabantayan niya.

Dadalhin ang mga nailigtas na menor de edad sa reception and action center sa Payatas upang maalagaan ng awtoridad hanggang kunin sila ng kani-kanilang pamilya.

Ayon kay Atty. Dante Bonoan, hepe ng anti-human trafficking division ng NBI, isang linggo nilang inobserbahan ang bar matapos makakuha ng tip sa deputy director ng ahensya hinggil sa mga menor de edad na nakikita sa lugar.

Sa kanilang pagmamanman, naaktohan ang 11 lalaki na nagsasayaw nang hubad sa gay bar na anila’y acts of prostitution.

Posibleng maharap sa kasong kaugnay sa use of traffic victim ang sino mang mapatunayang customer ng bar.

Inihahanda ng awtoridad ang ikakaso laban sa may-ari ng bar, dahil sa paglabag sa anti-human trafficking act habang kakasuhan din ang ina ng isa sa mga menor de edad kaugnay ng child abuse.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …