Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magpinsan nagbigti matapos gahasain

SA kabila ng kampanya ng pamahalaang matigil ang sunod-sunod na kaso ng rape, dalawa na namang dalagita ang natagpuang nakabitin sa puno matapos gahasain ng limang kalalakihan sa isang barrio sa northern India. Batay sa post-mortem report, nagbigti ang magpinsang biktima mula sa low-caste na Dalit community na edad 14 at 15, matapos pagsamantalahan sa kanilang barrio sa Budaun district sa Uttar Pradesh state.

“Lumitaw na ante-mortem ang pagbibigti, na ang ibig sabihin ay nagpatiwakal ang dalawa. Pero iniimbestigahan pa ito bago magkaroon ng konklusyon,” ani Budaun police chief Atul Saxena.

Naaresto ang pangunahing suspek na kinilala sa pangalan lang na Pappu habang pinaghahanap ang apat pang ibang gumahasa sa magpinsan.

Nagbunsod ang insidente ng protesta mula sa pamilya ng biktima at mga residente sa pag-akusa sa kawalan ng aksyon mula sa lokal na pulisya.

Ang rape sa Budaun ay pinakahuli mulang magahasa ang isang dalagita sa West Bengal state at gang-rape ng estudyante sa New Delhi noong Disyembre 2012.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …