SWAK sa kulungan ang sekyu ng Quezon City Hall of Justice (QCHOJ), nang magasagawa ng entrapment operation ang mga awtoridad dahil sa pagbebenta niya ng ebidensya.
Kinilala ang suspek na si Jic Florentino, 33-anyos, nahaharap sa kasong illegal possession of firearms at qualified theft.
Ayon kay SPO1 Cristituto Zaldarriaga, may-hawak ng kaso, siyam na baril at isang granada ang natangay ng sekyu mula sa Regional Trial Court Branch 215, sa Hall of Justice Annex building.
Sa ulat ng pulisya, maraming beses nang ginawa ang pagnanakaw sa mga ebidensya at sa tulong ng isang insider, nagawang maaresto ang suspek.
Sinasabing ang ebidensya ay itinatago sa wooden cabinet sa loob ng judge’s chamber at tinatayang P500,000 ang halaga ng mga baril at explosives ang nawala na.
(JETHRO SINOCRUZ)