Saturday , November 23 2024

Dating piskal arestado sa Child Abuse

CAUAYAN CITY, Isabela – Nakakulong na makaraan arestohin ng mga awtoridad si dating Isabela Asst. Provincial Prosecutor Ferdimar Garcia dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law.

Sa pangunguna ni Deputy Chief of Police Insp. Samuel Lopez, isinilbi ng mga miyembro ng Alicia Police Station ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Raul Babaran ng Cauayan City Regional Trial Court Branch 19, dahil sa ilang beses na hindi pagpapakita sa korte ni Atty. Garcia sa pagdinig sa kanyang kaso.

Nag-ugat ang kaso ni Garcia sa pananakit sa isang bata na umawat sa kanyang panggugulo noong nakaraang taon sa isang bahay sa Sto. Tomas, Alicia.

Nakunan ng video ng mga pulis ang pag-resist o pagtanggi ni Garcia na sumama sa kanila nang isilbi ang warrant of arrest sa kanyang bahay sa Linglingay, Alicia.        (BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *