Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

5 bagets patay 37 sugatan sa 2 sunog sa Maynila

060414_FRONT

LIMA katao ang namatay habang 37 ang sugatan  sa dalawang sunog na naganap sa dalawang lugar sa Maynila, iniulat kahapon

Kinilala ng  Manila Bureau of Fire Protection  ang mga biktimang sina Joana Racet dela Cruz, 21; Jamaica de La Cruz, 17; isang nakilalang Shane, kaibigan ni Joana; Junjun, 16; at isang Tintin.

Ang mga biktima ay na-suffocate sa nasusunog na kwartong kanilang tinulugan sa ikalawang palapag ng  commercial-residential building sa Tahimik St., Delpan, Tondo.

Ayon kay FO3 Oliver Sison, ng BFP, sumiklab ang sunog sa mini-grocery nasa ground floor ng gusali dakong 3:56 a.m. na umabot sa ikalimang alarma at  idineklarang fire-out dakong 4:46 a.m.

Sa ulat, tatlo sa mga biktima ang natagpuan sa kwarto sa ikalawang palapag, sa unang palapag nakita ang bangkay ni Junjun  at sa banyo natagpuan ang bangkay ni Tintin.

Ang may-ari ng mini-grocery na si Wilson Villanueva ay nagbakasyon sa kanilang probinsiya nang maganap ang sunog.

Nabatid, lumuwas mula sa Aklan ang dalawang apo ni Villanueva na sina Joana at Jamaica upang mag-aral sa Maynila.

Nakaligtas sa sunog sina Marvin Frado at Ronald Bulevar, mga tauhan ng tindahan, matapos tumalon mula sa ika-lawang palapag.

“Dakong 3:00 po ng madaling araw nang magsara kami, tapos nagising na lang kami  dahil sa makapal na usok at apoy, tinangka namin gisingin ‘yong mga babae, pero naka-lock ‘yong kuwarto nila kaya tumalon na lang kami palabas,”ayon kay Frado.

Samantala, tinatayang 37 katao ang sugatan, karamihan mga batang naglalaro, makaraang sumabog ang tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Parola Compound, Tondo, dakong 6:45 p.m.

Nabatid, kabibili ni Alfredo Puro ng tangke ng LPG nang mapansin niyang sumisingaw kaya’t kanyang dinala sa eskinita na nagkataong nagluluto ang kanyang kapitbahay nang biglang sumabog ang tangke at agad kumalat ang apoy nadamay ang ilang bahay.

Sa record ng BFP, 37 ang nasugatan pero karamihan ay hindi na nagpadala sa pagamutan dahil sa kawalan ng pera.

Sa record ng barangay, 42 ang nasugatan at si Puro ay malubhang nasugatan sa pagsabog ng tangke. Patuloy ang isinasagawang clearing operation ng mga bombero.

ni leonard basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …