Monday , December 23 2024

3 high risk prisoners sa hi-end hospitals inamin ng BuCor

KINOMPIRMA ng pamunuan ng Bureau of Correction (BuCor) ang pagpapagamot ng ilang high profile na preso sa ilang mga pribadong ospital noong nakaraang Mayo.

Napag-alaman na tatlong high profile prisoners ng New Bilibid Prison ang dinala sa pagamutan.

Ayon kay BuCor Director Franklin Bucayu, nakalabas ng NBP para magpagamot sina Herbert “Ampang” Colangco at Amin Buratong.

Sinabi ni Bucayu na sa Asian Hospital nagpagamot si Colangco habang sa Medical City si Buratong ngunit nakabalik na sila sa piitan.

Giit ni Bucayu, kailangan ng mga espesyalistang doktor dahil hindi pangkaraniwan ang sakit ng dalawang bilanggo.

Dagdag ni Bucayu, ang nangyari ay isang emergency medical case dahil “life threatening” ang kalagayan ng dalawang preso at sila’y sumailalim sa operasyon.

Inihayag din ng opisyal na sa paglabas ng dalawang high-profile na preso ay kasama ang kanilang gwardiya.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *