ILANG grupo na naniniwalang dapat manatili bilang general manager ng Metro Rail Transit (MRT) si Al Vitangcol ang nagpalabas ng kanilang pahayag kamakailan.
Sa pahayag, ipinagtanggol ng grupo si Vitangcol sa paggamit ng ilang artikulo na naglabasan sa ilang kolum.
Isang kolumnista umano ang nagsabing, “I may be sticking my neck out but if the man is corrupt, I am blind, dead and dumb.”
Sinabi rin na ang pagkakaupo ni Vitangcol ay isa sa mga pinakamagandang desisyong nagawa ni PNoy.
Hind rin umano magpaimpluwensiya matapos mabasa ang mga negatibong pagtingin kay Vitangcol.
Dapat umnaong isaisip na ang general manager ay naging kabahagi ng MRT-3 noong Enero 2, 2012 at sa loob ng dalawang taon at apat na buwan, ito ang listahan ng ilan sa magagandang nagawa sa pamumuno ni Vitangcol na nagbigay tulong sa gobyerno, mga pasahero at mga empleyado:
Mula P200M/taon, naging P85M na lamang ang insu-rance na binabayaran ng MRT-3. Nakatipid nang halos P115M/taon at hihigit pa sa mga susunod na taon. Mula $2M, naging $1.15M sa isang buwan (mula P93M hanggang P53M sa isang buwan sa loob ng 10 buwan) ang natipid sa pagpapanatiling maayos ang MRT-3. Ang bagong kontrata ay $1.5M sa isang buwan. Ang natipid sa unang pagbabawas ay P400M. Ito rin ang naging dahilan ng pagkakatanggal niya sa pwesto.
Mas mataas na kita ng MRT (nang hindi nagtataas ng pasahe) nang halos P1M sa isang araw (P365M sa isang taon) sa pamamagitan ng paghihigpit sa sistema ng pagbili ng ticket.
Sa mga pasahero, nagkaroon ng express trains, passenger information system, consumer welfare desk, apat na CCTV bawat estasyon, metal detectors sa entrada nang walang dagdag na pasanin sa MRT. Nagdagdag ng soap dispensers, etc. Nang walang gastos ang MRT. Nilinis ang mga estasyon at mga tren, tinanggal ang mga commercial advertising at binigyang lugar ang mga vendor sa pamamagitan ng stalls para bigyan mas malaking espasyo ang mga pasahero. Nakatipid ng P50M sa isang computer system na higit pa sa data generating at sharing na nagbibigay-alam sa mga empleyado kung ano ang problema at solusyong nagaganap sa lahat ng estasyon. Maaaring isipin na ang mga ipinakikita ni Vitangcol, hal. pagtitipid sa halos P900M— ay bibigyang parangal o mapapansin man lamang. Hindi iyon ang kanyang nakuha. Sa pamamagitan ng isang artikulo sa isang d’yaryo na inilabas noong Mayo 26, siya ay inalis sa kanyang katungkulan sa MRT-3 sa parehong araw nang walang hustisya.
Ipinalabas ng Pangulo na tinanggal niya sa pwesto si Vitangcol kahit na umano nauna nang magpasa ng resignation letter.
Ano nga ba ang laman ng column ni Jarius Bondoc? Na si Vitangcol ay “nagbigay sa kanyang uncle-in-law ng P517.5M service deal noong 2012-2013” na si Arturo Soriano ay “isa sa anim na incorporators-directors ng PH trams…” na walang public bidding na naganap at si Vitangcol ay may kinalaman dito.
Ano nga ba ang nasa kabilang panig? P517.5M kontrata para sa higit na siyam na buwan na una ay P350M sa ipon ng anim na buwan. Ito ay humaba dahil hindi handa para sa final bid ng DOTC.
Si Soriano nga ba ay nasa PH trams noong pirmahan ang kontrata? Wala na siyang kaugnayan dahil nang malaman ni Vitangcol, ipinatanggal ang kanyang shares sa kompanya. Sa madaling salita, ang PH trams ay malinaw na walang kaugnayan sa bidding. Walang naniniwala na si Soriano ay magtatanggal ng shares nang dahil lamang sa pakiusap ni Vitangcol. (L. BASILIO)