Saturday , November 23 2024

2 patay 1 kritikal sa boga ng parak (Taxi kinuyog ng kabataan)

DALAWA ang patay, habang kritikal ang kalagayan ng isa pa, sa 10 kabataan na kumuyog sa lima-katao sakay ng taxi na kinabibilangan ng pulis sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Manila Adventist Medical Center (MAMC), ang menor de edad na kinilalang si Camille Ventura, 16, estudyante, ng 667 Pacundo St., Pasay City; at Emerson Lopez, 20, ng 578 Pacundo St., Pasay City.

Ginagamot sa Ospital ng Maynila ang isa pang biktima, si Carl Michael Cueto,18, ng 1848 Go-Quiolay St., Brgy. 4 , Zone 2, Pasay City, sanhi ng tama ng bala sa kili-kili at tagiliran.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section sa suspek na si PO3 Ariel Yala, 32, nakatalaga sa Logistic Support Service-NCRPO, ng Taguig City, at sa mga kasamang sina Gene Hope Cainglet, 29, receptionist; Rey Chris Saavedra, 29; Jordan Tuilo,33, messenger; at Agnes Buenaflor, 26.

Ayon kay SPO3 Glenzor Vallejo, ng MPD-HS, naganap ang insidente sa A. Mabini corner P. Ocampo Sts., Malate, dakong 2:30 a.m.

“Yong grupo ng mga biktima mga 10 katao, unang may nakaaway sa Harbor Square sa PICC, nagpunta sila doon sa area at nakatayo sa Petron Gasoline station nang mapadaan ang grupo ng pulis, sakay ng taxi. Akala ng grupo ng biktima ‘yung mga naka-taxi ang nakaaway nila, biglang binuksan ang pintuan ng taxi nang mapahinto sa stop light saka kinuyog ang nasa loob ng taxi,” ayon kay Vallejo.

Hinihinalang sa pagkakataong iyon nagpaputok si Yala sa direksyon ng mga kumuyog, isinara ang pinto ng taxi saka inutusan ang driver na si Henry Coralde, 48, ng Leano Compound ,Novaliches, Q.C., na paandarin ang sasakyan.

Pagdating sa EDSA malapit sa LRT station, naaresto ng nagpapatrolyang Pasay Police ang grupo ng suspek, isinuko sa MPD Malate station (PS 9), saka dinala sa MPD-HS.

“Hindi ko ho alam na may nagpaputok, at may tinamaan, nalaman ko na lang noong hulihin kami sa EDSA ng mga pulis-Pasay. Basta inutusan lang ako na paabantehin na ang taxi,” ani Coralde.

Ayon kay Coralde, isinakay niya ang grupo ng pulis sa Cowboy Grill sa Ermita.

“Nagulat nga ho ‘yong mga sakay ko sa loob kung bakit sila kinukuyog ng mga kabataan,” dagdag ni Coralde.

Ayon kay Vallejo, posibleng napagkamalan ng grupo ng mga biktima ang grupo ng mga suspek na sila ang nakaaway nila sa Harbor Square, kaya kinuyog.

(Leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *