NANAWAGAN si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Winston Ginez sa jeepney drivers na tumalima sa 20 percent discount para sa mga estudyante, senior citizens at persons with disabilities.
Ito ay makaraan ipag-utos ang 50 sentimos dagdag-pasahe sa jeepney sa buong NCR, sa Region 3 at Region 4.
Ibig sabihin, ang minimum na pasahe ay magiging P8.50 na.
Sa mga estudyante, kinakailangan magpresenta ng ID bilang patunay. Epektibo ang discount mula Lunes hanggang Biyernes.
Samantala, ipinaliwanag ni Atty. Ginez na ang pagtaas ay para lamang sa drivers.
Kaya’t kanyang ipinakiusap sa mga operator na huwag nang dagdagan pa ang boundary.
ni BETH JULIAN