INAPRUBAHAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag na P0.50 pasahe sa jeep para sa National Capital Region (NCR), Region 3 at Region 4.
Ayon kay LTFRB chair Winston Ginez, mula sa dating P8 minimum fare, ay P8.50 na ang pasahe sa unang apat na kilometro habang dagdag na P0.10 sa bawat succeeding kilometers.
Sakop nito ang Metro Manila, Central Luzon, Calabrzon at Mimaropa regions.
Dagdag ni Ginez, kanilang ikinonsidera hindi lamang ang kapakanan ng public utility jeepney operators (PUJ) at drivers kundi maging ang low at middle-income classes.
Ang desisyon ng board ay kasunod ng fare hike petition na inihain ng ilang transport groups noong nakaraang taon na humihirit ng dagdag na P2.
Nagpaalala si Ginez sa PUJ operators na dapat ay kumuha muna ng kopya ng fare matrix bago ipatupad ang fare adjustment.
Epektibo ang fare hike sa Hunyo 14.