Friday , November 22 2024

P62.3-B dev’t projects aprub kay PNoy, NEDA

053114 pnoy

MASAYANG nakipagkwentohan si Pangulong Benigno Aquino III sa Australia and New Zealand Banking Group Limited (ANZ) Board of Directors, sa pangunguna nina Group Chief Executive Officer Michael Smith at Group Chairman David Gonski, sa courtesy call sa President’s Hall Receiving Area ng Malacañang Palace kahapon.
(JACK BURGOS)

INAPRUBAHAN ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang siyam naglalakihang proyekto sa sektor ng infrastructure, transportation, water supply at health care na nagkakahalaga ng P62.3 bilyon.

Kabilang sa naaprubahan ng NEDA Board ay ang P18.7 bilyon Kaliwa Dam project at P5.8 bilyon Angat Dam water transmission project.

Saklaw ng proyekto ang mga bayan ng Tanay, Antipolo at Teresa sa Rizal province habang sa General Nakar at Infanta sa Quezon province.

Ang Angat Dam water transmission project ay popondohan ng 60 million-dollar (P2.7 billion) Asian Development Bank (ADB) loan na layuning ayusin ang Angat raw water transmission system.

Sa Bohol na sinalanta ng malakas na lindol, itatayo ng National Irrigation Administration (NIA) ang Malinao Dam Improvement Project na gagastusin ng P653 milyon.

Habang pangungunahan ng DoTC ang implementasyon ng Cebu bus rapid transit project na magpapabuti sa mass transport facility o system sa Cebu City metro-polis at ito’y popondohan ng P10.6 bilyon.

Nakatakda rin i-upgrade ang Busuanga airport sa Palawan mula sa kasalukuyang turbo-prop papuntang jet-capable airport at paglalaanan ng P4.1 bilyon mula sa general appropriations ng Department of Transportation and Communications (DOTC).

Naaprubahan na rin ang bidding sa LRT 2 operations and maintenance project na nagkakahalaga ng P16.5 bilyon.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

112024 Hataw Frontpage

Sa nilustay na pondo ng OVP sa loob ng 11 araw
P1-M PATONG SA ULO VS ‘MARY GRACE PIATTOS’
 Eksperto sa sulat-kamay kailangan

PLANO ng House panel na nag-iimbestiga sa sinabing hindi maayos na paggasta sa confidential funds …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *