Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

8 babaeng obrero nasunog sa kolorum na pabrika (Ikinandado ng among Intsik sa bodega)

053114_FRONT
WALONG babaeng stay-in na obrero   ang namatay nang mnakulong sa ikinandadong quarters ng among Intsik, habang walo pang kasamahan ang sugatan sa isang kolorum na pabrika na nilamon ng apoy sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga namatay sanhi ng suffocation at second degree burns sa iba’t ibang parte ng katawan na sina Floralyn Balucos, 20; Maricris Calumba, 21; Haide Ib-Ib, 24; kapatid niyang si Lorena,21; Shellalyn Habagat, 19; Jelsa Saburiga, 19; Renelyn de Baguio, 21; at Angelyn Quillano, 21, pawang tubong Tayasan, Negros Occidental.

Samantala, ang mga nakaligtas pero sugatan ay sina Michelle Callao; Jessa Mae Callao; Almira Zuñiga;  Cherylyn Calum; Jenice Baja; Dally Delos Niños; Irene Acuña at Nikki Torres.

Sina Calum, Baja at Acuña ay nagkaroon ng minor burns sa katawan, pero pinauwi ng doktor makaraang lapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital.

Sa ulat, sumiklab ang sunog sa unang palapag ng Asia Microtech sa 317 P. Samonte St., Brgy. 47, Zone 6 dakong 12:45 a.m.

Ang gusali ay inuupahan ng negosyanteng si Juanito Go, 68, Chinese national, may-ari ng Asia Microtech, na gumagawa ng DVD, relo at iba pang gadgets.

Ipinahayag ng survivors sa pulisya, natutulog sila sa kanilang quarters nang sila’y magising nang makasinghot ng usok.

Sa imbestigasyon, hindi nakalabas ang walong biktima, na pawang mga babae, dahil nakakandado ang bodegang kanilang kinalalgyan na kinompirma ni Torres.

Anila umakyat sila sa rooftop at nakalabas sa maliit na butas pero ang kanilang walong kasamahan na hindi nakalabas ay na-suffocate sa makapal na usok.

Tinatayang P2.5 milyon ang pinsala ng sunog na umabot sa second alarm at ideneklarang under control ng nagrespondeng mga bombero dakong 3:02 a.m.

Bukod sa walang permiso ang pabrika, inireklamo din ng mga manggagawa ang labag sa batas na pagpapasweldo sa kanila.

“P2,500 a month ang starting at halos walang day-off at ikinakandado pa raw sila kapag tapos na ang gawain na pinagtratrabaho ng 12 oras,” pahayag ng imbestigador.

Nasa kustodya ng Pasay Police si Go, sumasailalim sa imbestigasyon at nakatkdang sampahan ng kasong human trafficking, negligence resulting in multiple homicide and physical injuries  at paglabag sa city ordinance o operating business without business and Mayor’s permit.

nina MANNY ALCALA/JAJA GARCIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …