ILANG residente sa Ermita at Malate area ang inirereklamo ang isang malaking estbalisyemento na dinarayo ng mga ‘parokyano’ dahil sa kakaibang show nila.
Nagtataka ang mga residente sa nasabing lugar kung bakit namamayagpag ang RED BANANA gayong ang pagkakaalam nila ay wala itong Mayor’s permit.
Katunayan umano nang ipina-renovate ang nasabing establisymento ay walang BUILDING PERMIT.
Pinagdadampot pa nga ‘yung mga trabahador, kawawa naman. Mukhang ang gumastos pa ng piyansa nila ay ‘yung mga kawawang laborer.
Masyado umanong malakas ang loob ng management ng RED BANANA dahil ang mga incorporators umano nito ay isang kilalang entertainment manager, isang business association president, isang bigtime PR, isang talent manager at isang kilalang doktor.
Aba, grabe naman, komo ganyan kayo kabi-bigtime ‘e pwede na ba kayong mag-operate ng negosyo nang walang permiso?!
Paging BIR Commissioner KIM HENARES, Madam pakibusisi nga itong Red Banana dahil mukhang nakalulusot sa mga obligasyon nila sa gobyerno.
Kanino ba nanghihiram ng KAPAL NG MUKHA ang RED BANANA management sa mga taga-Manila City hall?
Magpaliwanag kayo!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com