Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Napoles iniutos ng korte ibalik sa Fort Sto. Domingo

INIUTOS ng Makati Court kahapon ang agarang pagbabalik kay tinaguriang pork barrel scam mastermind Janet Lim-Napoles sa kanyang detention cell sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.

Si Napoles, nakapiit kaugnay sa serious illegal detention case, ay na-confine sa Ospital ng Makati mula pa nitong Abril.

Ibinasura ni Makati Regional Trial Court Branch 150 Judge Elmo Alameda ang mosyon na inihain ni Napoles, humihiling na bawiin ang unang order na pagpapabalik sa kanya sa Fort. Sto. Domingo bunsod ng vaginal bleeding.

“The director of Police Regional Office IV-A or any of his deputies is requested to provide adequate security personnel to escort the accused from the Ospital ng Makati to Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna. This order must be implemented immediately,” pahayag ni Alameda sa kanyang four-page order.

Ibinase ni Alameda ang kanyang desisyon sa report na isinumite ng Ospital ng Makati, nagsasaad na pinapayagan na ng mga doktor na makalabas ng ospital si Napoles.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …