ni Reggee Bonoan
Anyway, okay ang role ni Ruffa Gutierrez bilang si Monica sa Maybe This Time kaya lang kitang-kita at halatang-halata ang tanda niya bilang girlfriend ni Anton? Nagmukha siyang tiyahin ni Coco na bagets na bagets ang dating gayundin si Sarah na mukhang hay-iskul dahil bumagay ang maikli nitong buhok.
In fairness, napapatawa kami ni Ruffa kapag kinukorek niya si Tonio na ‘babe’ lang ang itawag sa kanya at hindi ‘babes’ dahil nag-iisa lang naman siya, pero ang tawag naman niya sa boyfriend niya ay ‘Ants’ (pinaikling Anton) na say naman ng aktor ay bakit ants, eh, nag-iisa lang naman siya, dapat daw ‘ant?
Oo nga naman, weeeehhh. Simple lang ang istorya ng pelikula at hindi ito pang-award pero ang galing ng pagkaka-arte ni Coco na mata palang ay umaarte na at si Sarah ay alam naman nating magaling talaga sa drama at comedy.