Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vitangcol sinibak ni PNoy (Sampid lang umano sa ‘inner circle’)

TULUYAN nang ‘inilaglag’ ni Pangulong Benigno Aquino III si Al Vitangcol bilang MRT-3 general manager.

Ito ay nang kompirmahin na sinibak na ang opisyal na itinurong kasabwat ng kanyang ate at bayaw sa tangkang pangingikil ng $30-M sa isang Czech company para masungkit ang kontratang mag-supply ng bagong bagon sa MRT.

“Out of curiosity, sino sa inner circle ko si Vitangcol? I don’t … He looks vaguely familiar but I don’t really know him that well. Iyong I’ll let my secretaries decide as to whom they want to work with,” tugon ni Pangulong Aquino hinggil sa koneksyon ni Vitangcol sa kanyang “inner circle.”

Noong nakalipas na taon ay isiniwalat ni Czech Ambassador to the Philippines Josef Rychtar na si Vitangcol ay kabilang sa grupo nina presidential sister Ballsy Aquino-Cruz at mister na si Eldon Cruz, na nagtangkang mangikil sa Inekon, isang Czech company para makuha ang supply contract sa modernization ng MRT-3.

Ayon sa Pangulo, nakatanggap siya ng text message mula kay Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya kamakalawa ng gabi hinggil sa pagtanggal kay Vitangcol sa pwesto dahil nabuko na iginawad ang kontrata sa pag-supply ng dagdag na riles at bagon sa MRT sa isang kompanyang board member ang tiyuhin ng kanyang misis.

“We are relieving MRT 3 GM Vitangcol and we’ll appoint LRTA Administrator Joy Chaneco in an acting capacity. We are investigating GM Vitangcol if he knew of the fact that a relative by affinity was a board member,”anang text message ni Abaya sa Pangulo.

Hindi isinantabi ng Pangulo na maaaring kasuhan si Vitangcol sa Ombudsman ngunit kailangan aniyang dumaan ito sa tamang proseso.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …