Friday , April 4 2025

4 MPD officials sinibak ni General (Sa lotteng bookies ni Boy Abang)

DALAWANG station commander kasama ang dalawang hepe ng PCP ang sinibak sa puwesto ni Manila Police Director (MPD) director, Chief Supt. Rolando Asuncion.

Sa panayam kay Asuncion kahapon, kabilang sa mga tinanggal sa tungkulin sina  Supt. Julius Añonuevo ng MPD Station 1 at si Supt. Rolando Opriasa ng MPD Station 10.

Bukod sa dalawa, kasama rin sa sinibak sina Insp. Edward Samonte ng Smokey Mountain PCP at ngayong Miyerkoles,, tatanggalin bilang PCP commander ng Pritil si Insp. Raffy Melencio.

Papalit kay Añonuevo si Supt. Virgilio Villoria habang si Opriasa ay papalitan ni Supt. Luis Francisco.

Nilinaw ni Asuncion na ang pagkatanggal sa puwesto ng mga nasabing police officer ay bunsod ng naganap na paglabag  sa kampanya laban sa illegal gambling o ang one strike policy na pinaiiral ng pulisya.

Samantala, sinampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602  ang mga naarestong suspek na sina Victorino Alvaro, 62, ng 1389-B Concha St., Tondo; Pedro Segura, 55, pedicab driver, ng 1149 Madrid St.; Danilo Rugana, 57, pedicab driver, ng 1314 Wagas St.; Rey Badocboc, 34, laborer, ng 309 Mariones St.; at Alex Modrigo, 24, ng 1395-D Sevilla St., naaresto nitong Biyernes dakong 9:45 a.m.

Matatandaang, sinalakay ng mga kagawad ng MPD – GAIS  ang bahay ni Simbulan sa 1411-B, Sevilla Ext., kanto ng Concha St., nang ipag-utos ni Asuncion na magsagawa ng operation sa nasabing lugar.

Ani Asuncion, hinihintay pa niya ang report ng MPD-GAIS dahil hanggang ngayon ay wala pang isinusumite sa kanyang.

Aniya, kapag nakapagpasa na ng report ang GAIS ay kanyang pag-aaralan ang insidente.

(lEONARDO basilio)

About hataw tabloid

Check Also

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

PINATAWAN ng 90-araw suspensiyon ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya sa pagmamaneho ng SUV …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *