Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P25-M shabu nasamsam sa 2 tsekwa

052714_FRONT
052714_FRONT widge 052617 police shabu arrest
INIINSPEKSYON ni QCPD Director Richard Albano at DAID Senior Insp. Robert Razon ang nakompiskang limang kilo ng hinihihalang shabu at marked money sa isinagawang buy-bust operation sa Regalado Ave., Brgy. North Fairview, Quezon City. Arestado sa operasyon ang dalawang Chinese-Filipino na kinilalang sina Benedict Ong at Benson Lao. (ALEX MENDOZA)

UMABOT sa P25 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa isang buy bust operation ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa dalawang Chinese national na sinabing bigtime drug trafficker kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Insp. Roberto Razon, QCPD District Anti-Illegal Drugs (DAID) chief, kay Supt. Richard Albano, QCPD Director, kinilala ang mga nadakip na sina Benedict Ong, 38, tubong Hung Nam, China, naninirahan sa 170 Soler St., Sta Cruz, Maynila; at Benson Lao, 51, tubong Hung Nam, China, residente ng Brgy. Poblacion Guiguinto, Bulacan.

Ayon kay Albano, isang linggong minanmanan ng mga operatiba sa DAID ang dalawa at nang magpositibo ang impormasyon agad ikinasa ang operasyon.

Sa ulat, isang pulis na nagpanggap na buyer ang nakipagtransaskyon sa mga suspek at napagkasunduang idedeliber ang shabu na nagkakahalaga ng P1.5 milyon sa Regalado Ave., Brgy. North Fairview.

Sa ulat, dumating ang dalawang suspek lulan ng silver Toyota Vios (ZCT-167) nitong Linggo, at nang mag-aabutan na ang dalawang partido agad silang dinamba ng mga operatiba 11:55 p.m.

Nang siyasatin ang dalang sasakyan ng dalawa, narekober sa loob ang limang kilong habu na may street value na P25 milyon.

Sasampahan ng paglabag sa sect. 12 at 15, Article 2 ng Republic Act 9165 ang mga suspek.

nina ALMAR DANGUILAN/JETHRO SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …