Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P1-M cash, alahas nasikwat sa Japayuki

Tinatayang mahigit P1 milyong halaga ng cash, alahas at iba pang gamit ang natangay ng magnanakaw sa bahay ng isang dating entertainer sa Japan sa Sampaloc, Maynila.

Sa salaysay ng biktimang nagpatago sa pangalang “Candy,” nagsimba siya kasama ang ilang kaibigan pero pagbalik niya, nagulat siya nang makitang sira na ang lock ng pinto ng kanyang bahay.

Bagamat bukas na ang aparador, wala umanong bakas na hinalughog ang loob ng bahay.

Natangay ng suspek ang isang bag na naglalaman ng milyong-pisong halaga ng alahas, cellphone at mamahaling relo.

Nagtaka ang biktima kung bakit iniwan ng suspek ang laptop, camera, at mamahaling gadget na katabi ng tinangay na mga kagamitan.

Palaisipan din kung bakit tila tukoy ng suspek ang pinaglalagyan ng mga alahas ni “Candy” na naipundar niya mula sa pagtatrabaho bilang entertainer sa Japan.

Lumabas sa imbestigasyon ng barangay na isang lalaki ang suspek sa krimen pero blanko pa ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …